Tuesday, December 12, 2006

Party till you drop...literally

Last Saturday, naghold ng isang Thanksgiving Party sa office. Sit down dinner sya tapos may band and DJ after dinner. Supposedly smart casual yung attire pero marami sa mga Pinoy, nagplan na medyo semi-formal.

Talagang pinagplanuhang mabuti kung ano yung isusuot sa party. Sabay sabay pa kaming nagshopping two Saturdays ago para sa "prom." Excited kaming lahat, syempre isa na ako doon. Di ko kinailangang bumili ng damit kasi nadala ko yung black dress ko na never ko pang sinuot (although 2 years ago ko pa binili). Pero like the girly-girl that I am, bumili ako ng sapatos at accessories to go with the dress. Di pa pa ako nakuntento dun, yung morning ng party bumili pa ako ng makeup at heated rollers para makapagayos naman ako ng buhok. O di ba, naglalandi ang lola?

Mga 7pm, umalis na kami ng bahay. Inabot ako ng mga almost 3 hours para maghanda. Tinulungan pa ako ng wifey ni housey sa buhok ko dahil ang hirap pala magrollers. Pero proud ako sa makeup ko kasi ako yung nagapply (albeit sinusundan ko lang yung instructions sa magazine). Mukha namang okay lumabas dahil di naman ako nagmukhang clown, zombie, or hooker.

Pagdating namin sa Radisson, may mga pips na rin from the office ang nandun. Syempre true to form, yung mga kaofficemate naming puti asa bar na. Hintay lang kaming mga Pinoy sa labas (uuuy liar, sa totoo lang bumili rin kami ni Ron ng tig-isang bote ng beer habang naghihintay. What can I say? When in Ireland...). Siguro mga 1 hour or so yung hintay namin bago kami pinapasok sa function hall.

Syempre dahil mapili ako sa food di ko nagustuhan yung pagkain at all. Sayang nga kasi complete course sya and halos di ko nagalaw yung food ko (fred, asan ka para magpick sa plate ko?). Inom-inom na rin ako ng beer habang nagdidinner. Nung nagstart tumugtog yung band after dinner, inom pa rin ako. Paminsan bumibili sa bar. Paminsan nininenok yung beer ni Ron na nililibre sa kanya ng mga teammates nya. Mga naka-5 bottles ako bago nagstart yung DJ tumugtog. Not surprisingly but unbeknownst to me, tumaas na yung tolerance ko for alcohol. Kasi naka-5 na ako pero wala pa rin ako dun sa happy-happy-joy-joy stage ko. Parang wala lang, busog lang, pero walang amats. To think na halos walang laman yung tiyan ko. Sidebar lang dun sa band, okay naman yung tugtog. Pero may mga sablay sila na songs. Okay lang ako sa mga 60's songs basta danceable (yung mga kasama ko di natrip-an yung tugtog eh). Pero I draw the line at country songs, especially Johnny Cash. Walang disrespect dun sa tao, pero di talaga bagay sa party ang dark songs ni Johnny.

Hanggang dun sa part ng band, medyo so-so lang yung party. Ni hindi man lang ako naengganyong tumayo at sumayaw although may ilan-ilan ng taga-office (hindi Pinoy) ang sumasayaw dun sa dance floor.

The party started nung nagstart na yung DJ. Almost all people na natira tumayo na at nagsiksikan sa dance floor. Dito ko rin naprove na ang mga Irish, they really know how to party!!! Lango-lango na sila syempre kaya extra friendly na yung mga tao. Pano ba naman may ibang pips na di pa nags-start ang dinner eh sesenglot-senglot na. Syempre nung may DJ na, wala ng inhibition ang ilan.

Kami sayaw-sayaw lang with our group. Paminsan makikisayaw kami sa iba. Kaya may ilan din akong nameet na mga guys. Eh okay naman kasi dito, magkatinginan lang kayo sa mata, bigla ka na lang hihilahin sa kamay tapos isasayaw. Natatawa na lang ang iba kong kasama, lalo si Leny, kasi sabi nya benta raw ako. Bigla na lang raw kasi ako mawawala, yun pala may kasayaw na akong iba.

Naisayaw din ako ng crush-crushan ko sa office. Well, ex-crush hehehehe nakilala ko na kasi eh. Anong point ng meron kang crush kung wala ng mystery whatever. Besides, nakaka-turnoff yung dancing nya hahaha shuffle and twirl lang ang alam. Nahilo yata ako kakatwirl nya sa akin. =P

Medyo nakaranas ako ng kaunting culture shock. For a company-sponsored event, parang nagaact out yung mga tao na asa bar lang sila. Yung ibang senglot, maya-maya nakahiga na lang sa stage, at ginagrab yung mic para idedicate yung tinutugtog nung DJ sa kung sino-sino. Of course, marami sa kanila ang labo ng sayaw, talon lang ng talon. Yung mga babae, di mo naiintindihan, may iba parang nags-strip, yung iba parang kulang na lang pole sa laswa ng sayaw. Yung mga lalaki, maya-maya may binubuhat na lang na kasamang lalaki rin. Kapag tumugtog ng medyo Irish song ang genre (as in traditional Irish song), syempre Irish dance din... na mukhang naglaline-dance at magmimistulang Mayflower festival ang dance floor. At higit sa lahat, nung medyo mga ala-una na ng umaga, hala meron ng nagm-makeout sa dance floor. Syempre yung mga matagal-tagal na dito, kukuwentuhan ka na ng mga ibang tsismis about yung mga nagmemakeout. Like, kung may asawa, girlfriend, easy, player, etc. yung person.

Pero ang star of the night ay ang teammate ko na babae. Ganda-ganda nitong girl na ito... as in benta sya sa lahat ng kalalakihan ng kahit anong lahi. Hindi lang kasi maganda ang hawas ng mukha, malaki rin ang kanyang future. Anyways, itong si Curacha (bansag ng mga Pinoy dito, dahil isa syang babaeng walang pahinga) dinner palang senglot na. Nakikita na namin sya sa mga sulok-sulok na table kasama yung guy of the moment nya (na mukhang manggagahasa by the way) at naglalampungan sila doon. Nung nagsayaw-sayaw na, syempre sayaw din siya, pero iba na yung kasama nyang lalaki noon. Ang lakas na loob nya kasi lasing ba naman pero ang gusto nyang sayaw eh yung paikot-ikot. Syempre yung mga katabi nyang sumasayaw din natatamaan nya. At one point, binuhat sya ng partner nya (na lasing din by the way), tapos naout of balance yung partner nya at bumagsak sila pareho. Duguan yung lalaki, basag ang ilong at cheeks. Tinulungan namin sila kasi yung babae parang winded, pero di naman nasugatan. Pero bongga sya kasi nung nalaglag sya, bumaba yung tube na suot nya at nakita ang kanyang pinagmamalaking future. Iniwan ni girl si boy at naghanap ng ibang partner. Buong gabi ganyan ang kuwento ni Curacha. Kung nabore sya sa partner nya, pupunta sya sa stage, kukunin ang mic at kakanta sa sesenglot-senglot nyang boses. Ang count ng mga kasama ko, nakapitong partners sya that night.

Mga 4am na natapos yung party. Nung nagbukas na ng ilaw, back to reality na for some pero sa iba hindi pa. May mga partners na nagaaway sa gilid. Yung isa sa HR meron ng kamakeout sa labas habang a few steps away lang andun yung pinakabig boss sa office. Yung iba naghahanap na ng maiuuwi. Habang kami syempre umuwi na. Alam ko nagkaafter party pa pero di na sumama yung iba. Si Ron at si Ado lang ang sumama dahil kung gumimik ang dalawang yun kala mo walang kinabukasan.

Kahapon, pagbalik sa office absent si Curacha. Pero naglilinger pa rin yung pagiging star of the night nya kasi bida sya sa mga tsismisan at bulungan ng mga kababaihan at kalalakihan. Updates kung sino may nauwi, sino ang nauwi, etc ang masasagap mo sa ere.
Saya talaga dito.

No comments: