Miracles do happen
Disclaimer: Free flow ito
Cathay rules
Let me just say na mahal ko na ang Cathay. Yun yung plane na sinakyan ko going to Hongkong and to Amsterdam at okay yung services nila considering asa Economy class ako. May sariling tv at definitely mas eatable yung food!
May scary thing na nangyari lang though going to Amsterdam. A couple of hours from the start of the flight, nagka-panic attack ako! As in di ako makahinga... scary!!! At one point, I thought I was going to pass out kasi sobrang grasping for breath na talaga ako. Mabuti na lang mabait yung flight attendant. Binigyan nya ako ng oxygen... nakakatawa lang kasi kinandong ko pa yung malaking oxygen tank. Pero okay lang... basta makahinga. Nakatulog ako konti and after nun okay na ako. Di na ako natulog ulit kasi natatakot talaga ako na baka di ako magising. Iniisip ko na lang (habang nanonood ng Finding Nemo) -- don't choke! don't choke! tagal tagal mo nang hinihintay ito kaya wag kang magcause ng emergency flight landing.
Malas ko lang talaga sa mga katabi at mga nakakasalubong habang naglalakad sa airport. Pucha!
Ang babaho! Natakot pa ako nung pumunta ako sa gate nung papuntang Amsterdam kasi puro mga anaps yung nakaupo. Shet! Baka paglabas ko ng plane amoy curry na ako. Ang mean ko! Pero I swear ang baho talaga. Daig pa talaga ang Bayabas with tonic (which is the highest level of kabahuan ng anghit). Nung nakita kong hindi naman anaps yung katabi natuwa ako. Kaso hanep naman itong katabi ko habang natutulog, umuutot! Kaya yata di rin ako makatulog eh...
Ang babaho! Natakot pa ako nung pumunta ako sa gate nung papuntang Amsterdam kasi puro mga anaps yung nakaupo. Shet! Baka paglabas ko ng plane amoy curry na ako. Ang mean ko! Pero I swear ang baho talaga. Daig pa talaga ang Bayabas with tonic (which is the highest level of kabahuan ng anghit). Nung nakita kong hindi naman anaps yung katabi natuwa ako. Kaso hanep naman itong katabi ko habang natutulog, umuutot! Kaya yata di rin ako makatulog eh...
Sidebar lang, ang g-gwapo ng mga lalaki sa Amsterdam.
Riding the bus with sheeps
After ng airplane rides, bus naman. Yung Dublin airport kasi 4 hrs away from Letterkenny. I had to ride 2 buses kasi yung una connection lang from Monaghan tapos Monaghan to Letterkenny naman. Di nagbibiro si Ron. Milya milyang rice fields yung nakita ko. Parang south super kasi puro green puro road. Ang liit pa ng mga kalsada, di ko alam kung pano nagkasya yung bus.
Natawa ako syempre nung unang beses akong nakakita ng mga sheeps. Di rin pala joke yun. Pati ng mga cows. Pero bongga yung mga cows nila, hindi lang white with black spots. Iba't ibang colors ng cow -- black, white, brown, mauve, fuschia pink... And yung mga bato-bato sa kanila bongga rin kasi kung sa atin color brown, dito color light brown. At nagi-English! Hindi twit! twit! yung sinasabi kundi chirp! chirp!
Yung bus parang bus sa manila. Walang aircon, may amoy ng konti at may vandal din. Pero hindi naman yung tipong Vhoy heart Neneng or Ikaw ba ay nalolongkot. Pero yung 1st bus lang naman hindi yung 2nd. Napansin ko rin na friendly yung mga tao. May isang matandang babae na sumakay sa bus tapos sinundan sya ng isa ring matandang babae. obvious na di sila magkasama pero nung pagtabi nung isa, nagkuwentuhan na sila na parang tagal na nilang magkasama. Nakakaaliw pero di na ako nakinig kasi inaantok na ako.
Na-miss ko yung Manila nung...
Nung nakaabot na ako sa Letterkenny (about time kasi 24 hours na akong nagt-travel), nagtingin-tingin ako sa paligid ko. Mukha syang suburb sa Philadelphia. Or suburb sa New York. Come to think of it, yung bus ride ko papunta dito was reminiscent of the bus ride
nung binibisita ko si Bobetski sa Nanuet.
nung binibisita ko si Bobetski sa Nanuet.
Anyways, namiss ko yung Manila nung nakita ko yung Jimny ko sa kalye. O di ba? May Jimny din dito.
Syempre nung nagmeet na kami ni Ron, sandali lang ako naglagi sa apartment. Maganda yung tirahan ko dito. Meron pang fireplace hehehe. Siguro mga isang oras lang ako nakapahinga ay sinundo na rin ako ni Ron para makapamili ng toilettries at para magdinner. Aba naman si Ron, mega slave driver. 24 hours na akong nagb-byahe ay pinaglakad pa ako sa "Main Street". (Sidebar lang ulit: may mali dito sa keyboard ko, nagkabaligtad yung keys ng @ sign at nung double quotes). Eh OA pa naman yung Main street dito, kasing haba ng RCBC to Glorietta and back, papunta pa lang yun. So kahit kailangan ko naman talagang bumili ng mga toilettries at kumain, di pa rin discounted yung fact na pagdating namin dun eh nanginginig na ang tuhod ko.
Nalungkot lang ako nung pagdating sa grocery ay bihira ang seafood dito. Puro pre-packed na ang mga shrimps. Puro isda lang.
Pagtapos namin bumili, syempre di pa rin ako nagpahinga. Sumama pa akong manood ng bowling tournament para makilala ko yung mga ibang Pinoy. May mga taga-Pram na rin na naglalaro dun. Incidentally, nameet ko na rin ang aking TL dun. At kuwento na rin yata ng career life ko na everytime pumupunta ako sa bagong team, yung mga feedback ng mga tao ay "good luck" na hindi magandang good luck. Nakatikim na rin ako ng Budweiser. Masarap pala sya.
First and Second Day sa school
9am na ako nakapasok. Nagluto pa kasi ako ng bfast. Syempre lakad ulit papuntang office. Malamig pero di naman gaano. Pero kasi baka dahil nakathermals na ako nun. Nameet ko na rin si Brian, my best friend Brian. Pansin ko agad na ang f-friendly nila. Parang magkakakilala silang lahat. And syempre si Brian kada makasalubong namin, pinapakilala ako. Kiber! Parang maalala ko naman yun. Pero syempre mega smile naman ako at good morning at how's it
goin'?
goin'?
Kailangan magisip na ako ng iba't ibang ways ng greeting kasi lahat ng tao dito (as in lahat, di lang sa office) kahit di ka kakilala basta makasalubong mo lang, mag-greet sa iyo.
Yung office namin maayos naman, 2 storeys lang sya. Ang tawag nga dito ay campus. Mukha naman kasi talaga syang campus.
Pagtapos ko mameet yung mga kateam ko, nagayos naman ako ng mga docs. So balik na naman ako sa "main street" at mega-lakad na naman ako. Ang highlight lang ng lakad ko ay maya-maya na lang meron ng tupa sa tabi ko. Puro lakad lang ginagawa ko dito actually, pati today naglakad din ako para pumunta naman sa Garda (police station), kasi nagapply ako ng
ID. Needless to say, minumura na ako ng paa at sapatos ko.
ID. Needless to say, minumura na ako ng paa at sapatos ko.
Pero naprove ko na naman na mababait tao dito. Nung nagapply ako sa bank, yung bank person pa ngfillout ng application ko. Ang downside lang dito napapatagal ang transaction kasi naguusap pa yung mga tao. Pero relatively kasi kontil lang yung pila mabilis pa rin. Pinakamatagal na yata nung pumunta ako ng Garda kasi ang tagal ni tatang immigration officer magprocess eh. Tuldok system pa sya maginput at kada-field yata tumatawag sya sa iba para malaman kung tama yung ginagawa nya. Bago rin kasi sya kaya ganun.
Nadiscover ko na rin ang TV sa bahay. Kaya masaya na ako. Nakanood pa ako kagabi ng Grey's, CSI at Will and Grace. Nanood din kami ng Extras! pero di ko maappreciate ang British humor. Di kasi funny =P.
Mamaya gimik kami ulit. Bukas magshopping ulit for stuff. Marami pa kasi akong kulang na gamit. Nagluto nga ako ng pasta kanina at nadiscover kong wala akong lemon zester. Ngayon hinihintay ko lang mag5 pm. Gusto ko na umuwi ng bahay at magpahinga. Sa Monday, start na ng work, meron na akong assignment! Yey!!!
No comments:
Post a Comment