Tuesday, September 05, 2006

Buhay Irish

Since I'm leaving for Ireland on the 23rd and will be living there till God knows when, I find it apt and fitting to post an email received on April 12th from my friend (na itago na lang natin sa pangalang Ron) describing his experience in Ireland.

Foreshadowing?

***********************************

Since it has been more than 7 months since I got here, I just thought of writing about what I find fascinating here in Ireland. At dahil bored ako sa work naisipan ko magsulat.

Hindi uso maligo dito lagi, sa Irish na kasama ko sa house alam kong may lakad sya kse dun lang sya maliligo, sa girls naman alam mo na di sya naligo pag pumasok sya sa work ng naka tali ung buhok. Ako hanggang 2 days ko lang nagawang di maligo at di ko na uulitin un. Amazed din sila na ang Pinay lagi nagsusuklay.

Kung di sila lagi naliligo syempre hindi rin uso ang mag toothbrush after lunch, meron lang isang irish guy dito na nakikita ko na nag toothbrush din.

Pag naghugas sila ng plato, ibababad lang nila sa tubig ng may dishwashing liquid at voila tapos na un. Ilalagay na nila sa rack un at patutuyuin, so ang platong kinakainan ko may sabon lagi. Uso rin ang nagsasampay ng damit ditto, may mga sampayan kme sa bahay at kung minsan sa hagdan na lang at sa mga radiator sa bahay.

Uso ang soap opera! pinag uusapan din nila ang mga soap sa work, medyoo baduy nga lang soaps as in drama lang walang adventure.

Sa night out naman, take turns ang pagbayad ng inumin dito, so ako muna sa round na ito, tapos ung kasama ko naman sunod na round, tapos ung isa pa naming kasama ang sa sunod naman, and so on. Last call sa pub 1230 am. Tapos bukas naman na ung mga club nun, so lilipat na lahat ng mga lasenggo dun at dun ako nakakakita ng bigla na lang tutumba sa dance floor sa kalasingan, at usually babae pa! Style din ng ibang irish, naglalasing na sa bahay muna bago mag club kse mas mura un. Pero syempre naligo muna sila bago lumabas.

Sa sine, since sa town lang namin may sine, dinadayo to ng isang bus, tipong magrerent ang mga magkakapitbahay or magkakaklase from other town
ng bus tapos lahat sila pupunta sinehan, ginagawa rin ito ng iba pag gusto dumayo sa town namin para mag night out.

Pag nag shopping naman, normal na outfit dito jogging pants at jacket, pero ang mga babae kailangan naka make up pa syempre. Eto pa, na acquire ko na rin to, pag kumakain kme habang namamasyal sa loob lang ng car, bale mag take away kme tapos dalhin sa car, tapos habang naka park kain lang kme sa loob. Di rin naman kse ganon kadami ang KFC at McDo dito kaya sa convenience store na lang kme bumibili pagkain kaya no choice at sa car kme kakain.

Sa mga daan, ang liliit ng daan dito kahit main road na, at sobrang curvy, laki ng difference sa UK roads, unlike sa US dito ka lang makakakita ng sheep crossing at cow crossing na signs hehehe. dito ung pag nag drive ka mga ilang minuto ka walang makikitang ibang bahay o tao, as in kawalan lang.

Uso rin hitch hiking dito, kaya ilang beses na rin ako nadampot kahit di ko kilala at sinasabay ako pag naglalakad ako, ayoko pa rin kse bumili ng car dahil marami naman ako nasasabayan. Pag may kotse na ako at may hitch hiker pasakayin ko siguro basta wag lang mukhang killer. Pag nagpupunta naman ako sa mga sobrang liblib at probinsya na talaga, polite mga tao kakawayan talaga kme sa sasakyan. Pag nakita ka naman ng lasing titigan ka talaga kse nagtataka bat kme andun, pero di naman sila mang aaway.

Sabi rin kse nung matatanda sa amin may notion sila pag Chinese magnanakaw or masamang tao, kse nga ignorante pa sila noon, pero ngayon maganda na tingin nila, pag narinig nila na Filipino, sasabihin nila mababait daw un. Salamat sa mga nurses natin na pinapaganda image ng Pinoy.


Sa work naman, uso rin ang bday celebrations at surprises, syempre nagbibigay rin ako share ko sa cake. Pag may magreresign ganon din, binibigyan ng card at pati pera, pabaon ba. As in barya nga binibigay nila minsan parang abuloy tuloy. Ginagamit din nila ang email para sa mga personal messages, tipong pag may nakaiwan ung ilaw ng kotse, email sa lahat un "94 DL 5089 lights on ". Eto pa example, "Could whoever contacted me in the last 30 minutes about Black Leather suite contact me again" nagbebenta kse yan at malamang di nya nakuha name so inemail nya kasama pati big bosses. Meron din magtatanong kung sino pupunta sa ganyan after office, makikisabay kse. Ang gusto ko sa lahat ung "Anyone who has Motorola charger, please contact me X4562." manghihiram ng charger. Syempre petiks din mga tao dito, magkakape lang kwentuhan pa talaga sa labas. Ganon din sa cube, pag chika time chika talaga.Nag iisip pa ko ng makukwento ko at halata naman na masaya talaga ako dito.Dadagdagan ko na lang tong listahan ko ng iba ko pang observations.

Sobra bang encouraging ng kwento ko at gugustuhin nyo na rin tumira dito?"

No comments: